Miyerkules, Oktubre 12, 2011

Reflection



Sa Iyong mga Yapap

Landas na kay tinik sa Iyo'y inilaan
Bawat hakbang nito'y dusa't hirap ang laman
Sa kalooban ng Ama, nagpasakop Kang ganap
Buhay Mo o Hesus, ang syang alay na sapat

Laban sa agos ng mundo
Lumakad ka sa landas Mo
Laban sa lakad ng mundo
Landas na sa'kiy nais Mo

Sa Iyong mga yapak, ako ay tatahak
Kahit tigib ng luha ang nilakaran Mong landas
Pasakit man at dusa'ng dulot ng mundo'y kamtan
Bawat bakas ng Iyong mga yapak
Bawat hakbang Mo'y, aking susundan

Kay hirap mang gawin, kalooban Mo'y tupdin
Pinili kong sundan, bakas ng Iyong mga hakbang
Ang buhay ko'y laan sa Iyo kailan pa man
Maglilingkod sa 'Yo, Panginoon hanggang wakas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento